PROUDLY PHILIPPINE-MADE
Pag nananalo
si Pacquiao sa boxing, sinasabi natin, “I’m proud to be a Filipino”. At bakit naman?
Pag may
nananalong Pinay sa Miss Universe, “proud to be Filipino” ulit. At bakit naman ulit?
Hindi ko
masyadong masakyan ‘yon, e. Nanalo ang
ibang tao, na nagkataong Pilipino rin, tapos tayo ang naging proud? X wins, Y becomes proud. Ok lang lang yon, kung ikaw si Mommy Dionisia,
kamag-anak o trainer ni Pacman. Ano ba
naman ang naging papel at kontribusyon natin sa pagboboxing ni Pacquaio at
proud na proud tayo pag nananalo siya, bukod sa pagiging cheerer? Nagkataon lang na iisang gobyerno ang nagbigay
sa atin ng Birth Certificate at Passport, e proud na tayo. Hindi ako sigurado kung ang achievement ay
ganoong ka-transferable.
Si Pacquiao
ay naging si Pacquaio, hindi dahil sa, kundi sa kabila ng, lipunang
pinanggalingan niya. Individual talent
yon, hindi atin. Talent na hinasa niya
at pinagpaguran niya, hindi natin.
Ngayon, yung pagkanta niya, hindi talent yon; tibay ng dibdib iyon,
galing sa Red Bull at Alaxan. Palakpakan
pa.
Masaya ako
syempre, pag nananalo si Pacquiao. Pinoy
yan, e. Masaya at may pag-uusapan na
naman kami ng mga kahuntahan ko sa loob ng dalawang araw. Masaya, dahil masarap manood ng boxing na
Pinoy ang nanggugulpi sa puting kalaban.
For a change, ‘ika nga, na parang sinasabi ng ating generational o
racial memory, “bihira ‘yan, a”. Ibang
klase ang pakiramdam. Masaya. Pero, proud to be Filipino dahil nanalo si
Pacquiao? Teka, hindi ako sigurado dyan.
Humanga na
ba tayo sa Kenyans dahil naging presidente ng US si Obama? Marami ngang tao, ni hindi alam na Kenyan ang
tatay niya. Sa Russians, humanga na ba
tayo dahil ang galing mag-chess nina Karpov at Korchnoi? Hindi, di ba?
Syanga pala. Tatlong beses lang pala pumasok si
Congressman Pacquiao sa kongreso nitong nakaraang taon. Taon-taon na yatang kulelat sa attendance sa
Congress ang pambansang kamao. Mas madalas pa yata sa concert at sa TV show
si Cong. Siguro, laging may I go
out. Out of the country. Para sigurong ganito, “Mr. Speaker, Mr. Speaker, may I go out of the country. May bubugbugin lang po”. “Ok,
Cong. Manny. Balato ha. Ingat lang, mwah mwah.”
Tatlong
beses lang pumasok si Honorable Pacquiao.
Tatlo. O, proud ka pa rin?
Ito lang ang
gusto ko sabihin. Ang nationality, para
sa marami sa atin, ay aksidente lang. Hindi
naman natin pinili iyon. Parang ding pagiging
maganda o pangit ng mukha, pareho silang hindi natin kagagawan. Sa totoo lang, dahil sa globalization at
technology, hindi na masyado importante ngayon kung ano nationality mo; ang
importante ay kung ano ang ginagawa mo.
Maraming kung ang tawagin natin ay foreigner o banyaga, ang mas nakakatulong
pa at may malasakit sa mga Pilipino.
Wala sa passport ‘yan.
Sabi nga ng
maraming kausap ko na galing sa ibang bansa, hindi naman daw ganoong kalaking
bagay kung Pinoy ka o kung ano ang nationality mo, ang importante ay kung ano
ang alam mo at kung ano ang kaya mong gawin.
Hindi tulad sa atin, ang importante ay kung sino ang kakilala mo, kung
kaninong kang anak, o kung sino ang nag-refer ng resume mo.
Ang isang
asar an asar ako ay pag napapakinggan ko ang mga DJ sa FM radio dito sa Pinas,
na pa slang-slang pa kung mag-Ingles at kunwari pag nagsasalita ng Tagalog ay
nahihirapan, at hindi mai-pronounce ng tama ang “nakapagtataka”. Marami sa kanila, may Philippine
passport. Paano kayo nakapasa sa subject
na Pilipino noong high school, aber? Misplaced
sophistication. Tangina nyo.
Sa akin, hindi
ako nahihiya na Pilipino ako. Kahit
minsan, hindi ko ikinahiya ‘yon, kahit na nga noong minsan, ay idinetain kami
ng aking pamilya sa isang airport sa abroad nung makita noong immigration
officer ang passport namin. Sino ba ang
may kasalanan kung bakit ganoon ang tingin sa atin ng ibang lahi, hindi ba tayo
rin? Kaya hindi ko na minasama iyon, at
kaya sinagot na lang namin lahat ang tanong nila, para makumbinse sila na hindi
kami magt-TNT ng pamilya ko. Natatakot
din kasi ako na baka pag tinanong ko yung mga taga-immigration nila ng, “Why are you questioning us and detaining us,
you pakiningshet?”, e baka ibwelta sa akin na “A hundred thousand of your countrymen are staying here illegally,
that’s why”. E, di ako pa ang
nagmukhang tanga. Kaya hindi na ako
kumibo. Nakalabas din naman kami ng
airport pagkalipas ng isang oras.
Lilinawin ko
lang, para sa kin, hindi masama per se ang mag TNT. Ubod naman kasi ng hirap ng buhay dito sa
Pinas,e. Kahit anong sipag mo, parang
laging back to zero. Napakamahal pa ng
load sa cellphone. Pero hindi natin
masisisi ang mga immigration officials ng ibang bansa kung bakit ganoon ang
trato nila sa mga Pilipinong nag-aabroad.
Kung hindi
ako nahihiya sa pagiging Pilipino ko, hindi ko rin naman maya’t maya ay pinagmamalaki
yon. Pag tinanong ako, e di sasabihin ko
Pilipino ako. It’s just a fact. Ganon lang.
Hindi kailangang ipagsigawan sa lahat na nakalabas na ang tonsil na
Pilipino tayo. Pag sinabi kong “Hey, Joe.
I’m a Filipino from Philippines.
You know, Pacquiao, Philippines also, you know.”, baka sabihin ng foreignjer na sinabihan ko, “Uh, huh?”
Ang tingin
ko pa nga, e, pag sinasabi natin madalas na “I am proud to be Filipino”, ay
senyales iyon ng isang malalim na insecurity at kakulangan, at kinakailangan
pang kumbinsihin natin ang ating mga sarili na maipagmamalaki mo talaga ang
pagiging Pilipino natin, at kahanga-hanga ang lahi ni Pacman.
.
Noong EDSA
1986, I was proud to be Pinoy, kasi hinangaan talaga tayo ng buong mundo. Isinulat pa tayo ng international press na
kahanga-hanga ang ginawa natin, at naging modelo at inspirasyon pa tayo para sa
mga democratic movements sa buong mundo.
Now, what
other things have become sources of our national pride as a people? Sige
nga. Yung achievement hindi ng isang
indibidwal na Pilipino, gaya sa boxing o kantahan at beauty pageant. Yung sama-sama nating ginawa na
maipagmamalaki natin bilang isang lipunang Pilipino. Sige, bibilangan kita ng hanggang lima habang
nag-iisip ka.
One thousand
one, one thousand two, one thousand three, one thousand four, one thousand
five. Ang tagal. Ano naisip mo?
O, sige,
bibigyan pa kita ng another thirty minutes.
Text mo ko.
No comments:
Post a Comment