PROGRESO
Noon, bago
lumubog ang araw, maraming mga tao, pauwi na galing trabaho; ngayon, bago
lumubog ang araw, maraming mga tao, papunta na sa trabaho;
Noon, ang
laging nakaupo sa harap ng computer, mga may trabaho; ngayon, mas matagal sa
harap ng computer, mga walang trabaho.
Noon, ang
mga nakauniporme, hinahabol ang mga kriminal; ngayon, nakauniporme na ang mga kriminal.
Noon, ang
mga tao, nagkakausap bago maging friends; ngayon, ang mga tao, nagiging friends
muna bago mag-usap.
Noon, ang mga
dalagang estudyante, hatid-sundo; ngayon, sundot - hatid;
Noon, ang
mga bagay na ating dapat gawin, ang tawag ay “source of obligation”; ngayon,
ang mga bagay na dapat nating gawin, ang tawag ay “source of stress”;
Noon, ang
mga tao, walang kung ano-anong mga gadgets, pero mas madalas mag-usap at nagkakaintindihan; ngayon, sangkatutak ang
mga gadgets, pero hindi naman nag-uusap at hindi magkaintindihan;
Noon, nakakagulat
pag may patayan; ngayon, nakakagulat pag walang patayan;
Noon, pag
nagdilaw ang traffic light, nagbabagal ang mga sasakyan dahil magpupula na;
ngayon, pag nagdilaw ang traffic light, bumibilis ang mga sasakyan dahil
magpupula na;
Noon, pag
ang kapitbahay, tumulong sa handaan, mabilis naluluto ang ulam; ngayon, pag ang
kapitbahay, tumulong sa handaan, mabilis nawawala ang ulam;
Noon, ang
tao, kahit hindi marunong magbasa, marunong makaunawa; ngayon, ang tao,
marunong nang magbasa, pero hindi makaunawa.
Noon, bago
kumain, ang pagkain, dinadasalan; ngayon, bago kumain, ang pagkain, pinipicturan.
Progreso.
1.7.15
No comments:
Post a Comment