Sunday, January 25, 2015
BAKIT AKO MAY BLOG
BAKIT AKO MAY BLOG
Salamat sa pag-aaksaya ng panahon sa pagpunta sa blog na ito. Hindi ako sigurado kung sulit ang oras mo na magbasa nito.
Pero wala namang masama siguro kung ibahagi ko ang naiisip ko. Hindi ako tech-savvy, kaya nagpagawa ako sa anak kong si Igue ng kung tawagin daw ay blog, dahil gusto kong makaabot sa maraming tao nang hindi ako gumagawa ng tunay na dyaryo o gumagamit ng post office, na parehong kailangan ng pera para magawa, at wala naman ako maraming pera o panahon para doon. Blog, dahil ayoko naman mag-impose ng mga sinusulat ko sa mga taong ayaw namang magbasa nito, kaya kung nababasa mo ito, iyon ay dahil ginusto mo.
Paminsan-minsan ay magsusulat ako dito. Kung anu-ano lang, na sana pag nabasa ninyo ay hindi ninyo tatawaging pagsasayang ng oras. Salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment