ANG RELASYON
NG PANG-URI AT PANGNGALAN
Sa wikang
Pilipino, maraming pang-uri (adjective) ang halos nakatali na yata sa
kanya-kayang pangngalan (noun). Ibig
sabihin, pag narinig mo ang pang-uri, siguradong kasunod na ang nakataling
pangngalan. Hindi ito mainam. Dapat itong iwasan, dahil ito ay
“predictable”, hindi “creative”, at nagpapakita ng katamarang mag-isip, kahit
na nga ba madalas ito ay totoo. Cliché,
‘ika nga, sa wikang Ingles. Ang sinasabi
ko ay gaya ng mga ito:
Meron pa bang ibang bagay na matangos,
kundi ilong?
Meron pa bang ibang bagay na
malantik, kundi pilik-mata?
Meron bang mapungay na bibig? Syempre, wala; ang tanging pwedeng maging
mapungay ay mata.
Bakit ang tanghali, laging tapat?
Bakit ang style, laging bulok?
Bakit pag may sinabing nakakabingi,
lagi itong katahimikan?
Bakit pag may sinabing nagdudumilat,
lagi itong katotohanan?
Bakit pag ginamit ang salitang
kaibuturan, lagi itong nasa puso?
Bakit pag may isang bagay na
karumal-dumal, lagi itong krimen?
Bakit pag isinalarawan ang budhi,
lagi itong maitim?
Bakit pag may nakakaasar, laging
Binay ang pangalan?
No comments:
Post a Comment