ANG ARAW NG
MGA PATAY AY PARA SA MGA BUHAY
Ang Araw ng mga Patay ay para sa mga buhay, hindi sa mga
patay.
Para sa mga buhay na naghahagilap ng sagot kung saan napunta
ang mga patay, at pilit na inuunawa ang palaisipan na dala ng tuldok ng
kamatayan.
Para sa mga
buhay na nakokonsyensya at hindi pinapatulog dahil hindi nila napagtuunan ng
pansin ang mga magulang na pumanaw noong sila ay nabubuhay pa.
Para sa sa
mga buhay na dinadaan ang pag-ibig sa kanilang mga namatay na mahal sa buhay sa
pamamagitan ng mga biniling bulaklak at kandila.
Para sa mga buhay
na pinapahalagahan ang magarang musoleo, na wala namang katuturan sa mga patay
na nakahimlay.
Para sa mga buhay
na iniisip ang walang katapusang “Ano kaya?”
Ano kaya kung nakita ako ni Tatay na nakatapos? Ano kaya kung
nakita ni Nanay ang apo niya? Ano kaya kung nakita nila na ako ay ganito na, o
ganito pa, hanggang ngayon? Puro ano
kaya, ano kaya…
Lahat tayo, may kanya kanyang “ano kaya” tuwing Araw ng mga
Patay.
Pag pinaguukulan
natin ng pansin ang mga patay, ang totoong binibigyan natin ng pansin ay para
masukat ang buhay ng mga natitira pang buhay.
Kailangan
natin alalahanin ang mga patay, para magkaroon ng saysay ang mga nabubuhay.
Ang Araw ng
mga Patay ay para sa mga buhay, hindi sa mga patay.
Totoo yan Prof. yung haloween di nga ma explain, kung ano relasyon sa Nov 1 at bakit halo.
ReplyDelete