“OCTOBER 7,
2015 IS THE LAST DAY OF HISTORY”
Ano ba itong
nababasa kong kumakalat sa Facebook na magtatapos na raw ang mundo sa Oktubre
7, 2015? Sigurado ako, nabasa ninyo rin iyan.
At katulad ko, ang inyong reaksyon ay, “Tanginang mga ito, nabubuwang na yata”. Iyan ang reaksyon ninyo, dahil alam ko, hindi
kayo naniniwala diyan.
Nakalagay
daw kasi ito sa Bibliya, sabi nila.
Hindi ko alam kung talagang nakasulat doon iyon. Ang masasabi ko lang, kumain kayo, gutom lang
‘yan.
Dahil kung
anuman ang nakasulat sa kung anong libro, alam ko, hindi rin kayo naniniwala na
magtatapos na ang mundo sa Oktubre 7, 2015.
Hindi kayo
naniniwala diyan, dahil ang mga mismong nagsulat nito sa Facebook, ayaw
magpakilala kung sino sila. Ibig
sabihin, nahihiya sila na malaman kung sino silang naniniwala na The End na ang
lahat sa Oktubre 7, 2015, at baka sila mapagtawanan. Kung hindi ninyo kayang tayuan at nahihiya
kayo, e di, hindi kayo naniniwala.
Mabuti pa si Binay, pag nagsasabing hindi siya nagnanakaw, hindi nahihiya.
Hindi kayo
naniniwala diyan, dahil alam ko, nagset pa kayo ng mga lakad sa Oktubre 8, 2015
at mga susunod na araw, may naka-set pa kayong mga lakad sa weekend na iyon,
nagpaplano pa kayo kung ano iluluto ninyo at saan kayo mag-uundas, at kung saan
kayo magno-noche buena sa Pasko.
Hindi kayo
naniniwala doon, dahil hinding-hindi ninyo ipapamigay ang pera ninyo, mga
ari-arian at mga gamit, bago dumating ang Oktubre 7, 2015. Meron bang magpapamigay ng lahat ng pera niya
bago dumating ang Oktubre 7, 2015?
Wala.
Meron bang
magre-resign sa trabaho para paghandaan ang Oktubre 7, 2015? Wala rin.
Dahil alam
ninyo, hindi totoo iyan. 5 bilyong taon
na ang mundo, 5 bilyong taon na rin nating hinihintay iyan, nandito pa rin ang
mundo. Hindi tayo ganoong kaimportante
para mangyari iyan sa panahon natin.
Heto talaga
ang lundo. Hindi mahalaga kung may end
of the word man o wala, o kung sabay-sabay man tayong mamamatay na parang sa
firing squad, o una-una na parang mga nagtatalunang pasahero ng Titanic.
At hindi
natin kailangan ng End of The World para tayo ay mamatay. Pag may ginagawa tayong kawalanghiyaan sa
kapwa, namamatay ang isang bahagi ng ating pagkatao, namamatay ang isang bahagi
ng mundo. Kamatayan pa rin, dahan-dahan
nga lang. Killing me softly.
Hindi
mahalaga kung paano tayo mamamatay, ang mahalaga ay kung paano tayo
nabubuhay.
Alam ko, na
sa Oktubre 8, 2015, sasabihin naman ng mga naniwala, na kaya hindi nagtapos ang
mundo ng Oktubre 7 ay dahil naawa ang Diyos sa atin, at binigyan tayo ng extension. Second chance.
Kumain kayo,
gutom lang ‘yan. See you October 8.
P.S. (October 8, 2015 na. Nandito pa rin tayo - Prop.)
No comments:
Post a Comment