ANG
PAGHINGI NG IMPOSIBLE
Kung
kaya ng panalangin lahat na gawing posible ang lahat ng imposible, bakit hindi
pa ako nakakita o nakabalita ng isang putol na daliri na tumubo uli, ha? Sasabihin mo, “E, kasi imposible yon”. Exactly
my point. Ang isang bagay ay nangyayari,
dahil it was possible to happen in the first place. Hindi milagro yon.
May
mga bagay na maaaring mangyari at talagang posible, at may mga bagay naman na
imposible. Yung mga bagay na mahirap
mangyari, o maliit lang ang tsansa na mangyari, matatawag pa rin silang
nasasaklawan ng kategorya ng posible .
Improbable, yes. Remote,
yes. But still possible. An improbability is still within the realm of
possibilities. Ang manalo sa lotto, (yung
6/45), kung tama ang aking math, ay meron lamang na 1/130,320,960 na tsansa, kaya hindi talaga imposibleng
manalo ka sa lotto. Ang manalo ka sa
lotto nang hindi ka tumataya, ‘yan ang imposible. Hindi kaya ng dasal yan. Pag nanalo ka sa lotto ng hindi ka tumataya, iyon
ang himala.
Ang
tsansa na ako ay mabuhay hanggang isang daang taon ay isang posibilidad,
bagamat napakalabo at napakahirap mangyari, kung isasalansan mo ang beer na
nainom ko at bulalo na kinain ko sa buong buhay ko. Pwede siguro na umabot ako ng isandaang taon,
hindi himala ‘yon. Dahil, in the first
place, posible naman talaga iyon, bagamat gaya ng sinabi ko, malabo mangyari ‘yon. Remote chance. Pero ayoko rin naman yata abutin ng hanggang isang
daang taon, dahil patay na lahat ang mga kahuntahan ko by that time. Ano ang gagawin ko, mag-selfie?
Ngayon,
bago yung mga relihiyoso sa inyo ay maging hysterical at kastiguhin ako at
sabihin na “With God, nothing is impossible”, e, oo nga. Pero patas ang Diyos. Binigyan niya tayo ng dalawang kamay at
sampung mga daliri. ‘Yung iba nga,
labing isa pa e. Ngayon, tayo na ang
bahalang mag-ingat sa ating mga kamay at daliri. Bahala kayo kung gusto ninyo ipa-manicure ‘yan
linggo-linggo, kung iyan ang magbibigay ng kaligayahan at kabuluhan sa buhay
ninyo. Ok lang iyon. Basta, siguro, sabi ng Diyos, ingatan ninyo ‘yan,
dahil pag ‘yan naputol, hindi ko na papalitan ‘yan.
Kaya, halimbawa, iwasan ninyo na ang
magpaputok tuwing Bagong Taon, at gaya ng laging sinasabi ng nanay mo noong bata
ka pa, huwag ilalabas ang kamay sa jeep, dahil pag ang kamay ninyo at daliri ay
naputukan o nalagas, hindi na tutubo uli ‘yan.
Hindi na kayo makakanta ng “I have two hands” at saka “Ten Little
Indians”. Kayo rin, mahirap mag-text at
mag-multiply gamit ang daliri sa paa.
Kahit maglupasay kayo maghapon, at ilang orasyon ang dasalin ninyo,
hindi na tutubuan ng daliri uli iyan. Dahil,
gaya ng sinabi ko, may mga bagay na imposible.
Niloloko mo lang ang sarili mo
pag sinabi mong ang lahat ay posible.
Kaya
pag humingi, huwag sobra. Humingi lang ng tama at reasonable. Nagagalit ang Diyos sa sobra humingi.
.
No comments:
Post a Comment