ANG BABAENG MALIHIM AT
ANG LALAKING MATIGAS
The truth shall set you free daw, pero ang mga babae ayaw
sabihin ang edad nila.
Age doesn’t matter daw, pero ang mga babae ayaw sabihin ang
edad nila.
Age is just a number
daw, pero ang mga babae ayaw sabihin ang edad nila.
We should be open about our feelings daw, pero ang mga babae
ayaw sabihin ang edad nila.
Honesty is the best policy daw, pero ang mga babae ayaw
sabihin ang edad nila.
God knows everything daw, pero ang mga babae ayaw sabihin ang
edad nila.
Humpty dumpty sat on a wall, humpty dumpty had a great fall,
pero ang mga babae ayaw sabihin ang edad nila.
Magugunaw na ang mundo, pero ang mga babae ayaw na ayaw pa
ring sabihin ang edad nila.
Eh, di huwag.
Nagkamatay na ang SAF 44, pero ang mga lalaki ayaw pa ring
umiyak.
Natapos na ang sermon ni Pope Francis, pero ang mga lalaki
ayaw pa ring umiyak.
Napakaraming iniwang patay ni Yolanda, pero ang mga lalaki
ayaw pa ring umiyak.
Nagpakasal na si Nene sa kanyang boyfriend, pero ang mga
lalaki ayaw pa ring umiyak.
Nahiwa na lahat ang sibuyas, pero ang mga lalaki ayaw pa ring
umiyak.
Jack and Jill went up the hill, to fetch a pail of water,
pero ang mga lalaki ayaw pa ring umiyak.
Magugunaw na ang mundo, pero ang mga lalaki ayaw na ayaw pa
ring umiyak.
Eh, di huwag.
No comments:
Post a Comment