BAKIT MAY MGA TAONG MAY DALANG BARIL?
Bakit may mga taong may dalang
baril? Sa maniwala kayo at sa hindi
(malamang sa hindi), ang lahat ng dahilan ng tao sa pagdadala ng baril ay
maikakahon at makikita sa labing-dalawang dahilan. Labing-dalawa. Pwedeng isa.
Pwede ring kumbinasyon. Pero
lahat, nandidito.
1.
Dahil
para sa ilang tao, kailangan nila ang baril para ipagtanggol ang sarili nilang
buhay, ang buhay ng pamilya niya, at ang kanyang cellphone, lalo na mula sa mga
taong may dala ding baril.
2.
Dahil
para sa ibang tao, hanapbuhay nila ang ipagtanggol ang buhay ng ibang tao, ang
buhay ng pamilya nito, at ang kanilang mga cellphone, karaniwan mula sa mga
taong may dala ding baril.
3.
Dahil
ang ibang tao, hanapbuhay nila ang kumuha ng buhay ng ibang tao, ng buhay ng
pamilya nila, at ng kanilang mga cellphone.
4.
Dahil
sa ibang tao, mas madaling mag-utos kapag may dala silang baril.
5.
Dahil
para sa ibang tao, kailangan nila ng isang bagay na ipampupuno sa kanilang
pagkatao, na walang kalaman-laman, o ng isang bagay na ipagyayabang o
maikukwento tungkol sa buhay nila, bukod sa mamahaling cellphone.
6.
Dahil
para sa ibang tao, hanapbuhay nila ang gumawa at magbenta ng baril, para may
barilan, para kailanganing gumawa at makapagbenta uli ng mas maraming baril.
7.
Dahil
para sa ibang tao, mukhang macho at pogi ang may sukbit na baril sa baywang.
8.
Dahil
para sa ibang tao, masyadong malaki, at hindi kakasya sa baywang, ang itak o
espada, at wala nang gumagawa ng tirador.
9.
Dahil
ang ibang tao, nasobrahan sila noong bata pa ng panonood ng mga pelikula ni
FPJ, Lito Lapid at Ronnie Ricketts.
10. Dahil sa ibang tao, hindi sila naibili ng
laruan noong bata pa sila.
11. Dahil sa ibang tao, sawa na sila sa
bugbog at tadyak ng kanilang asawa.
12. Dahil sa ibang tao, ang buhay ay
gaya-gaya lang.
Bakit labing-dalawa? Dahil hanggang diyan lang ang kaya kong
isipin.
No comments:
Post a Comment