KUNG IKAW AY
NASA BINGIT NG KAMATAYAN, HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA
(O kung
bakit ang pag-asa ay walang hanggan….)
Kung ikaw ay nasa bingit ng kamatayan, huwag mawalan ng pag-asa, dahil kung mamatay ka man, dalawa ang
pwedeng mangyari sa iyo. Pwede kang
i-cremate, o pwede kang ilibing.
Kung ikaw ay i-cremate, mahapdi iyon, at katapusan mo
na. Pero kung ikaw ay ililibing, huwag
mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari sa iyo. Pwede kang ilibing sa nitso, o pwde ka ring
ilibing sa lupa.
Kung ikaw ay ilibing sa nitso, hindi ka na makakalabas doon, at
katapusan mo na. Pero kung ikaw ay
ililibing sa lupa, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari
sa iyo. Pwde kang hukayin at kainin ng
asong gala, at pwede kang mabulok na lang at maging pataba sa lupa.
Kung ikaw ay hukayin ng asong gala, lalawayan ka nito at papapakin,
at katapusan mo na. Pero kung ikaw ay
mabubulok at magiging pataba sa lupa, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa
ang pwedeng mangyari sa iyo. Pwede kang pakinabangan ng isang halamang gulay, o
pwde kang pakinabangan ng isang puno.
Kung ikaw ay maging gulay, aanihin ka, iluluto ka at kakainin
ka rin ng tao, katapusan mo na yon. Pero
kung ikaw ay maging puno, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari
sa iyo. Pwede kang putulin para maging tabla, at gawing baitang ng hagdanan, at
pwede ka ring anihin, gilingin, at gawing papel.
Kung ikaw ay putulin at gawing tabla, at gawing baitang ng
hagdan, tatapak-tapakan ka lang, at katapusan mo na yon. Pero kung ikaw ay anihin, gilingin at gawing
papel, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari sa iyo.
Pwede kang maging pad paper sa eskwelahan, at pwede kang maging tissue paper.
Kung ikaw ay maging pad paper sa eskwelahan, susulatan ka
lang at pagkatapos ay lalamukusin ng mga bata, at itatapon ka, at katapusan mo
na iyon. Kung ikaw ay maging tissue
paper, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari sa iyo.
Pwede kang gamitin sa kusina, o pwede kang gamitin sa kubeta.
Kung ikaw ay gamitin sa kusina, gagawin ka lang pamunas sa
tira-tirang mantika, mumo at kung ano-anong dumi sa mesa at kawali, at katapusan
mo na. Pero kung ikaw ay gamitin sa
kubeta, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari sa iyo.
Pwede kang gamitin ng lalaki, o pwede kang gamitin ng babae.
Kung ikaw ay gamitin ng lalaki, salaula sa kubeta iyan, at siguradong
katapusan mo na. Pero kung ikaw ay gamitin
ng babae, huwag mawalan ng pag-asa, dahil dalawa ang pwedeng mangyari sa iyo.
Pwede kang gamitin sa likod, o pwde ka ring gamitin sa harap.
Kung ikaw ay gamitin sa likod, masaklap ang iyong kapalaran,
at maliwanag pa sa sikat ng araw, na katapusan mo na. Pero kung ikaw ay gamitin sa harap, sa gayon,
sa kabila ng lahat ng iyong pinagdaanan, ay masasabi mo at maipagmamalaki sa
lahat, na MAYROONG KABULUHAN ANG IYONG PAGKAMATAY.
Kaya’t
tandaan, kahit nasa bingit ng kamatayan, huwag mawawalan ng pag-asa.
(Ang ideya nito ay mula sa isang nabasa ko matagal nang panahon na di ko na matandaan kung saan, pero binago ko ang nilalaman para iakma sa panlasa ng bastos na mambabasang pinoy.)
No comments:
Post a Comment